P A N G A R A P
P A N G A R A P
Bawat isa sa atin ay may pangarap sa
buhay. Pangarap na pilit nating inaabot. Sa pamamagitan ng pagsisikap at
pagtitiyaga, naroon na makakamit natin kung ano man ang ating hangarin sa
buhay.
Bilang isang estudyante at bilang isang anak ng aking mga magulang,
ako'y nagsisikap upang makatapos ng aking pag-aaral. Ngayong ako ay nasa
kolehiyo na, mas pinagbubuti ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay makamit o
maabot ko ang aking mga pangarap. Pangarap na hindi lamang para sa akin, kundi
para makatulong na rin sa aking pamilya at sa ikauunlad ng ating bayan.
Sampung taon mula ngayon, magagampanan ko na ang aking tungkulin bilang
isang anak at mamamayan ng ating bansa. Sampung taon mula ngayon ako'y isa ng
kompyuter programmer. May maganda at maayos na trabaho. Trabahong marangal na
ginagampanan ko sa isang sikat na kompanya. Nakaupo sa isang malawak na
opisina. Gumagawa ng mga programs o aplikasyon para sa isang kompyuter.
Nakatutulong na rin ako sa aking pamilya, napag-aaral ko na ang aking kapatid.
At nakatutulong na rin ako sa pag-unlad ng ating bansa.
Haay... kaysarap isipin, kaysarap mangarap, kaysarap makamit ang
tagumpay na iyong inaasam sa buhay.
Sana magkatotoo ang mga ito
pagkalipas ng sampung taon
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento