Mga Post

P A N G A R A P

Imahe
                                                     P A N G A R A P         Bawat isa sa atin ay may pangarap sa buhay. Pangarap na pilit nating inaabot. Sa pamamagitan ng pagsisikap at pagtitiyaga, naroon na makakamit natin kung ano man ang ating hangarin sa buhay.   Bilang isang estudyante at bilang isang anak ng aking mga magulang, ako'y nagsisikap upang makatapos ng aking pag-aaral. Ngayong ako ay nasa kolehiyo na, mas pinagbubuti ko ang aking pag-aaral nang sa gayon ay makamit o maabot ko ang aking mga pangarap. Pangarap na hindi lamang para sa akin, kundi para makatulong na rin sa aking pamilya at sa ikauunlad ng ating bayan.      Sampung taon mula ngayon, magagampanan ko na ang aking tungkulin bilang isang anak at mamamayan ng ating bansa. Sampung taon mula ngayon ako'y isa ng kompyuter programmer. May maganda at maayos na trabaho. Trabahong marangal na ginagampanan ko sa isang sikat na kompanya. Nakaupo sa isang malawak na opisina. Gumagawa ng mga programs

K A H I R A P A N

Imahe
                                                         KAHIRAPAN Ako ay nabubuhay na ng labing-anim na taon dito sa lipunang puno ng sakit at problema. Ano ba ang mga ito? Korupsyon ? Kalamidad? o Kahirapan? Sa aking palagay, oo kahirapan. Sinasabing ngayon ay panahon ng teknolohiyang nagpapabilis sa mga Gawain?Pero bakit marami pang tao ang uhaw sa pag-unlad?Maraming kababayan ang nahihirapan sa pagsabay sa agos ng buhay? Bakit marami pa ang naghahanap ng makakain sa tambak ng basurahan?                                                 Kayraming katanungan iilan ang nalulutas. Sa pangyayaring ito, ating sinisisi ang gobyerno. Sinasabing sila ang dahilan kung bakit nakakaranas tayo ng ganitong krisis. Hindi ba dapat ay magpasalamat nalang tayo, na kahit papaano, nakapagbibigay sila ng patak ng tulong. Ang pinakamalala, sinisisi natin ang Diyos. Bakit? Ano ba ang kanyang kasalanan? Bakit tayo pa ang may karapatang magsisisi? Ang may kasalanan ay tayo rin. Dahil sa kahirapan,

Kahirapan

Imahe
                                              Ang Kahirapan   Ako ay sadyang may isang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating lipunan sa ngayon? Pagnanakaw? Korupsyon? Pagbebenta ng droga? O kahirapan? Sa aking matagal at masinsinang pagninilay-nilay, aking napagtanto na lahat ng mga problemang aking nabanggit kanina ay resulta ng kahirapan? Tama. Isa sa pinakamalaking kinakaharap na problema ng ating bansa ay ang kahirapan. Dahil sa kahirapan, maraming tao ang nakakagawa ng kasalanan, dala ng kanilang kakulangan sa pera, ay napipilitan silang gawin ang mga bagay na hindi kanais-nais. Dahil doon, patuloy na dumarami ang bilang ng krimen sa ating bansa. Tayong mga Pilipino ay nahaharap ngayon sa isang matinding krisis. Namumuhay tayo ng salat sa mga pangunahing pangangailangan upang tayo ay mamuhay ng matiwasay. Taon-taon ay mas lumalala pa ang problema ng ating bansa na hindi masolusyunan dala ng kahirapan. Isa sa pangunahing da